Linggo, Agosto 14, 2011

KUNG AKO AY ISANG BAGAY


Bawat tao ay may kanya kanyang katangian, ang ilan ay mabuti at ang iba naman ay di kagandahan. Ang mga katangiang ito ay mga bagay na nagrerepresenta ng ating pagkatao, mga katangiang maari nating ihalintulad sa mga katangian ng mga bagay na ginagamit at nakikita natin sa pang araw-araw nating pamumuhay.

Kung ako naman ay mamimili ang isang bagay na maari kong ihalintulad sa aking sarili, ang bagay na ito ay ang salamin. Bukod sa lagi kong dala ito sa aking bag at di ako papasok na hindi humaharap sa salamin, may mga katangian ang salamin na bagay ihalintulad sa aking pagkatao. Una sa lahat, alam natin na ang salamin ay nagbibigay ng replekson sa ating mga sarili, tulad ko bilang isang tao, para lang din akong salamin na kung anung mga bagay o pag uugali ang pinapakita ng ibang tao saakin at kung papaano nila ako ituring at itrato, ganun din ang ipapakita ko sa kanila. Ang salamin din ay isang bagay na babasagin, na kapag nabasag, buuin mo man ulit ito ay meron at meron ka paring lamat ng basag na makikita mula rito, gaya lang din yan ng aking pagtitiwala at pagmamahal sa isang bagay o tao na kapag nagkaroon ng lamat ang aming tiwala sa isa’t isa, ito ay mahirap na muling buuin o ayusin, at kung ito man ay mabuo pa, hindi na ito gaya ng dati kong pagtitiwala na buong buo parin.  Sa harap din ng salamin natin binabanggit ang mga tanong gaya ng “maganda ba ako?”,”ganun naba ako kapangit?”, “Ok naba itong suot ko o bagay ba saakin itong damit na ito?” at iba pang mga katanungang madalas na tinatanong sa isang kaibigan, gaya ko, sasagutin ko ang mga katanungang gaya nito na hindi makakasakit sa kanya bilang isang kaibigan. Ang salamin din ay maituturing din na bestfriend ng mga babae, karamihan kasi sa mga babae ay conscious sa kanilang mga hitsura kaya lagi silang may dala-dala nito. Tulad ko mas gusto kong kaibigan ang mga babae kaysa sa mga lalaki (ha-ha!!), mas komportable kasi ako pag sila ang mga kasama ko dahil nga siguro..... alam mo na.....(ha-ha-ha). Isa pang bagay na kaparehas ko sa salamin ay ang pasasabi ng totoo, gaya ng salamin, kung anong mukha ang ihaharap mo rito yon at iyon pa rin ang ipapakita sayo wag kang umasang pag di ka ganon kagandahan at pag humarap ka sa salamin ay maganda ka na (anu ka siniswerte). Gaya nga ng isang salamin nagsasabi lang ako ng totoo.

Ito ang mga bagay na maiihalintulad ko sa aking sarili sa mga katangian ng salamin. Mga ugali at mga katangiaan na meron sa isang salamin, positibo man o negatibo. (^_~)


10 komento: