Noong ika-lima ng Oktubre, taong 1993, sa isang tahimik na lugar sa probinsya ng Aurora(dipaculao), isang mag-asawa ang nabiyayaan ng isang lalaking sanggol at ito ang kaunaunahan nilang anak. Pinangalanan nila itong Francis C. Mariano ayon na rin sa kagustuhan ng kanyang mga tita. Ang sanggol na ito rin ang kaunaunahang apo ng kanyang lola marahil siguro kaya siya narin ang naging paboritong apo nito. Di nagtagal, ang mag-asawang ito kasama ang sanggol ay lumipat ng tirahan sa bahay ng kanyang lola (maria aurora) dahil doon nakatira ang nanay ng lalaki kasama ng kanyang mga kapatid. Doon na lumaki ang batang iyon at doon na rin siya nagkaroon ng dalawa pang mga kapatid.
Ang batang iyon ay ako. Habang ako ay lumalaki, nagkakaroon din ako ng mga bagay na kinagigiliwan gaya ng ibang mga bata katulad ng panunood ng mga pambatang palabas(cartoons), pati na rin ang mga teleserye tuwing gabi. Nahilig din ako sa mga larong pambabae noong ako ay bata gaya ng mga chinese garter, luto-lutoan o bahay-bahayan at pati ang paglalaro ng mga manika. Sa paglipas ng panahon, ako ay lumaking batang mabait, masunurin sa magulang, at may takot sa Diyos.
Nang ako ay mag limang taong gulang, pinag-aral ako ng aking mga magulang sa Wenceslao Elementary School, isang paaralan sa aming barangay at natapos ko ang pag-aaral ko ng elementary noong taong 2006. Kinuha ko naman ang aking pag-aaral sa mataas na paaralan sa Wenceslao National High School. Masasabi ko na ang ilan sa mga pinakakamasayang nangyari sa buhay ko ay noong ako ay nasa mataas na paaralan kasama ang aking mga kaibigan at kaklase. Sa apat na taon ko sa mataas na paaralan, sumali ako ng drum and lyre bilang xylophonist ng aming paaralan na lumalaban tuwing kapyestahan ng aming bayan nalagi naming nakukuha sa tatlong pinakakamagaling. Sa pagsali ko dito madam akong naging mga kaibigan at masasayang ala-ala habang kami ay nag prapraktis pati narin tuwing araw ng kompitisyon. Syempre di mawawala dyan ang swimming ng buong grupo pagkatapos ng kompitisyon bilang pagseselebreyt narin ng pagkakapanalo. Isa rin sa mga di ko malilimutan noong akoy kasalukuyang nag-aaral sa sekondarya ay kapag sumasapit ang kapaskuhan, sa panahong kasi ito kami nagkakaroling ng aking mga kaklase sa mga kalapit na barangay at pasko rin ang pinakamasayang panahon para sa aming mga mag kakaklase dahil dito lang kami nakakapagbigayan ng mga regalo at mga bagay na nais naming ibahagi sa isa’t isa. Ngunit di rin nagtagal, umabot din kami sa puntong pagtatapos ng high school. Ang iba sa amin ay nagpatuloy ng pag-aaral at ang ilan naman ay sinasabing magtitigil muna ng pag-aaral dahil na rin siguro sahirap ng buhay.
Ngayong nasa ikalawang taon na ako sa kolehiyo at kasalukuyang nag-aaral dito sa Central Luzon State University, kumukuha ako ng kursong Bachelor of Science in Information and Technology sa kadahilanang gusto kong magtrabaho ng patungkol sa computer nang sa ganooy makatulong ako saaking mga magulang na syang naghirap na kumayod upang akoy makapag-aral at parana rin sa aking pansariling interes.
Ngayong ako ay labingpitong taong gulang na madami akong mga bagay na pinag kakaabalahan sa buhay gaya pagkolekta ng mga paborito kong koreanovelas at iba pang mga bagay na may patungkol sa Korean entertainment(k-pop). Isa rin sa mga pinag kakaabalahan ko ay ang tinatawag nilang social networking o mas kilalasatawag na facebook.
At sa huli, umaasa akong makakapagtapos ng aking pag-aaral sa tulong ng Poong May kapal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento