Lunes, Hulyo 25, 2011

Ang Aking Pamilya


Sa tahimik na bundok ng Aurora, nabuo ang aming pamilya, ang pamilya Mariano, isang pamilyang may pagkakaisa, tahimik,  masaya, may takot sa Diyos, at pamilyang nirerespeto. Ang pamilyang ito ay pinamumunuhan ng  isang responsableng ama na nagngangalang Franklin M. Mariano at isang mapagmahal na ina na nagngangalan namang Carmelita C. Cuaresma. Dahil sa kanilang wagas na pagmamahalan sila ay nabiyayaan ng tatlong anak, dalawang lalaki at isang babae at ito ay sina Francis, Garnet, at Jessa  Amor.

Ang haligi ng tahanang ito ay isang amang responsable at ginagalang, ipinanganak siya noong ika-12 ng Disyembre taong 1971 na ngayo’y 40 anyos na sa kasalukuyang taon, at siya ang panganay sa pitong magkakapatid. Sekondarya lamang ang pinakamatas niyang naabot sa kanyang pag-aaral, dahil na rin siguro sa kahirapan ng buhay noong kapanahunan nila. Dati rin siyang tagapagtanggol ng ating bayan, pero dahil sa payo ng kanyang ina sa kanya na tumigil sa pagsusundalo, pinili nalang niya na bantayan ang sariling pamilya. Ngayon ang pagsasaka ang kanyang ipinangbubuhay sa kanyang mga anak at asawa. Ganoon pa man sapat ang kanyang kinikita sa kanyang pagsasaka upang kaming magkakapatid ay makapag-aral at makakain ng sapat sa isang araw.

Ang ilaw naman ng tahanang ito ay masasabi kong mabuting ina dahil napalaki niya kaming maayos, masunurin at higit sa lahat ay may takot sa Diyos. Siya ay ipinanganak noong ika-11 ng Nobyembre taong 1976 na ngayo’y 35 anyos sakasalukuyang taon, siya naman ang pangatlo sa apat na magkakapatid. Katulad ng aking ama, sekondarya lamang din ang kanyang natapos, na ngayon ay may maliit na tindahan na kumikita naman ng sapat para matustusan ang aming pang araw-araw na pangangailangan.

Ang pangalawa sa aming magkakapatid ay lalaki na ipinanganak noong ika-14 ng Setyembre taong 1995 na ngayo’y 15 taong gulang. Masasabi ko na mas malapit sa akin kaysa sa aking kapatid na babae dahil magkalapit ang edad  kaya mas nagkakasundo kami. Siya ay mahilig maglaro ng baril-barilan at mahilig manuod ng mga aksyong pelikula. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Wenceslao National High School na inaasahang magtatapos ngayong darating na Abril. Siya ay nagbabalak na magsundalo.

Ang bunso naming kapatid ay ang paborito sa aming tatlong aming mga magulang dahil sa siguro’y siya ang nag-iisang babae at bunso sa aming magkakapatid. Siya ay isinilang noong ika-29 ng Disyembre taong 1999 na ngayo’y 12 taong gulang na. Siya ngayo’y kasalukuyang nag-aaral sa Wenceslao Elementary School, na nagbabalak naman na maging isang mahusay na guro balang araw.

Sa kalagayan ng aming pamumuhay ngayon, namumuhay kami ng masagana, tahimik, at masaya sa aming probinsya at ang mga iyon ang mga bagay na kaylangan upang masabi na ang aming pamilya ay maayos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento