Miyerkules, Agosto 24, 2011

P-noy para sa Pinoy

Para sa akin bilang isang mamamayan na nasasakupan ni Pangulong Benigno Aquino o mas kilala sa pangalang NoyNoy o P-noy, kontento naman ako sa kanyang pamamalakad dito sa ating bansa. Nakikita ka sa kanyang pamamalakad na may kakayahan siyang paunlarin ang ating bansa balang araw. Sa ngayong halos nagsisimula pa lamang siya sa kanyang katungkulan bilang presedente n gating bansa, marami siyang mga plano at proyekto para sa ating bansa upang ito ay mapaunlad.

Isa sa mga magagandang ipinatupad n gating pangulo ay ang dagdag na dalawang taon para sa mababa at mataas na paaralan na ipapatupad sa susunod na taon ng pag aaral, para sa akin ito ay makakabuti para lalong mapaunlad ang kalidad ng edukasyon dito sa ating bansa. Ipinatupad din niya ang pagbabawal sa paggamit ng mga wang wang na makakabuti rin upang mabawasan ang ingay sa mga kalye na nakakagdulot ng higit na ingay na nakakapagbulabog lalo na sa mga hospital, simbahan at mga paaralan. Isa rin sa mga sinabi niya ay ang kung tayong mga Pilipino ang matatanim ng palay, tayo ang aani at tayo ang makikinabang sa ating pinaghihirapan at hindi ang ilang mga bansa, sinasabi lang niya na tankilikin natin ang sariling atin. Nabawasan din ang bilang ng mga kurapsyon ditto sa bansa na isa sa mga malalaking balakid sa pag unlad ng ating bansa.

Ito ang ilan sa mga programa at mga proyekto ni P-noy na kanyang nasimulahan na sana ay matapos niya hangang sa mapaunlad niya ang Pilipinas.(^_~)




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento