Miyerkules, Oktubre 5, 2011

F.R.A.N.C.I.S.



Francheska ,  tawag ng mga bakla sakin

Rampa dito, rampa doon kung saan-saan
Alang paki alam kahit pagalitan
Ng magulang na nagpapaaral sakin.
Carlo, ang lalaking nagugustuhan ko
 Ini isip-isip, araw man o gabi
                              Sa paglipas ng panaho’y maging masaya.
                                

Si Sir Jayson,

Si Sir Jayson ay napakabait na guro.

Si Sir Jayson bilang isang guro, ay maunawain sa kanyang mga estudyante, ipinapakita niya na kayang kaya naming ipasa ang kanyang tinuturo na hindi namin iniisip na kami ay pala ay nag-aaral. Siya ay madalas magpatawa sa aming klase kaya kaming mga estudyante niya ay hindi tinatamad na makinig sa kanyang mga itinuturo o leksyon. Madami kaming natutunan tungkol sa retorika sa kanyang pagtuturo saamin, natuto kami ng mga tamang gamit ng mga salita. Si sir din ay marunong maki bagay o makisalamuha sa kanyang mga estudyante, kaya niyang makuha ang loob ng kanyang mga nakakasalamuha ng walang kahirap hirap. Si sir Jayson din ay ang klase ng guro na hindi ka i-pre-presure na mag aral na mabuti, ibig kong sabihin hindi ka niya hahayaang mahirapan sa inyong pinag-aaralan.

Si Sir Jayson bilang isang ordinaryong tao, siya ay mabait na kaibigan at maasahan. Siya ay may mabait na kalooban sa kanyang mga malalapit na kaibigan. Hindi ko man siya ganoon ka-close, nararamdaman kong ganun ang kanyang pag-uugali.

Madami kaming masasayang ala-ala habang kami ay nasa pagtuturo ni sir Jayson Sobrevilla. Sana sa mga susunod pa naming mga Filipino ay siya ulit ang maging guro naming.
Sir Jayson, maraming salamat sa iyo… (^_~)

Karananasan ko sa Filipino 110

Sa paglipas ng panahon, lahat tayo ay nagkakaroon ng mga karanasang di makakalimutan.
Sa pagpasok ko dito sa kolehiyo, hindi ko maiiwasan ang magkaroon ng pangit at magagandang karanasan, isa na dito ang mga karanasan ko sa Filipini 110 sa pag tuturo ng napakabait naming guro na si sir Jason Sobrevilla .

Para saakin, sa tuwing magkaklase kami ng Filipino 110, ang klase ay hindi nagiging boring kapag sinimulahan na ng aming guro  ang kanyang pagtuturo. Kaming mga estudyante ay hindi inaantok o tinatamad making dahil masaya magturo ang aming guro, sinasamahan nya ng mga biro ang kanyang mga tinuturo kaya hindi kami tinatamad making sa klase niya. Isa din palang dahilan kung bakit kaylangan naming making ay dahil baka kami ang susunod na niyang tawagin, (he-he). Hindi ko makakalimutan ang subjeyk na ito dahil madami akong natutunan sa Retorika lalo na ang mga gamit ng mga tamang salita, gaya ng, bibig sa bunganga, pinto sa pintuan at iba pa. Di ko rin malilimutan ang mga activity na pinapagawa sa amin na may kinalaman sa pinag aaralan naming, isa sa mga nagustuhan ko ay noong nagsulatan kami ng mga positibo at negatibo na katanian o pag-uugali n gaming mga kaklase sa aming mga likuran. Nagiging Masaya din, kapag kami ay nag-ku-quiz o kaya ay nag-e-xam di gaya ng mga iba naming sujeyk dahil hindi kami napre-presure o kaya hindi kami gaanong nahihirapan dahil nga siguro madali yung gawain o naiintindihan lang siguro naming yung pinag-aaralan naming (ha-ha-ha!! kapal!!!).

Hangang sa matapos an gaming pag-aaral sa Filipino 110, wala akong maalalang hindi magandang araw na nag-aral kami ng subjeyk na ito. Basta, ang masasabi ko lang ay madami akong natutunan at naging masayatalaga ang subjeyk na ito. (^_~)      

Miyerkules, Agosto 24, 2011

P-noy para sa Pinoy

Para sa akin bilang isang mamamayan na nasasakupan ni Pangulong Benigno Aquino o mas kilala sa pangalang NoyNoy o P-noy, kontento naman ako sa kanyang pamamalakad dito sa ating bansa. Nakikita ka sa kanyang pamamalakad na may kakayahan siyang paunlarin ang ating bansa balang araw. Sa ngayong halos nagsisimula pa lamang siya sa kanyang katungkulan bilang presedente n gating bansa, marami siyang mga plano at proyekto para sa ating bansa upang ito ay mapaunlad.

Isa sa mga magagandang ipinatupad n gating pangulo ay ang dagdag na dalawang taon para sa mababa at mataas na paaralan na ipapatupad sa susunod na taon ng pag aaral, para sa akin ito ay makakabuti para lalong mapaunlad ang kalidad ng edukasyon dito sa ating bansa. Ipinatupad din niya ang pagbabawal sa paggamit ng mga wang wang na makakabuti rin upang mabawasan ang ingay sa mga kalye na nakakagdulot ng higit na ingay na nakakapagbulabog lalo na sa mga hospital, simbahan at mga paaralan. Isa rin sa mga sinabi niya ay ang kung tayong mga Pilipino ang matatanim ng palay, tayo ang aani at tayo ang makikinabang sa ating pinaghihirapan at hindi ang ilang mga bansa, sinasabi lang niya na tankilikin natin ang sariling atin. Nabawasan din ang bilang ng mga kurapsyon ditto sa bansa na isa sa mga malalaking balakid sa pag unlad ng ating bansa.

Ito ang ilan sa mga programa at mga proyekto ni P-noy na kanyang nasimulahan na sana ay matapos niya hangang sa mapaunlad niya ang Pilipinas.(^_~)




Sampung Taon Mula Ngayon

Lahat tayo ay may mga kanya kanyang plano at kagustuhan sa buhay na makamit balang araw at gagawawin natin ang lahat ng ating makakaya upang makamit ang mga bagay na ito, sabi nga nila “libre ang mangarap”.


Ako, nakikita ko ang aking sarili sampung taon mula ngayon bilang isang matagumpay na Information Technology Proffesinal na nagtratrabaho sa isang malaking kumpanya sa South Korea tulad ng kursong kinukuha ko ngayon dito sa CLSU. Pagkalipas ng sampung taon mula ngayon, ako ay nasa 27/28 na taong gulang pa lamang at gaya ng plano ko sa buhay ako ay nagsosolo parin sa buhay, walang asawa o kahit anung may kinalaman sa pakikipagrelasyon sa ibang tao (ha-ha) at ang tangi kong pinagkakaabalahan bukod sa aking trabaho sa South Korea ay ang patuloy na pagkolekta ko ng mga Korean Drama Series at mga K-pop merchandise. Sampung taon mula ngayon ay nakakatulong na ako sa aking mga magulang, nakakatulong na rin ako sa pagpapaaral sa aming bunsong kapatid, at maaring nakapagpatayo na rin ako ng malaking bahay para sa aking mga magulang (ha-ha). Maari ring ako ay nakapagpatayo na rin ng sarili kong bahay may sariling sasakyan at nakabili na rin ng ilang mga lupa at ari-arian pagkalipas ng sampung taon mula ngayon.


Ang mga bagay na ito ang pumapasok sa aking isip kapag iniisip ko ang aking sarili sampung taon mula ngayon na sana ay magkatotoo balang araw at gagawin ko ang lahat upang makamit ko ang mga pangarap na ito. (^_~)
                                                                                                                                         

Awit ng Aking Buhay

Lahat ng tao ay may kanya kanyang paboritong kanta, mga awiting gusto lagi nating pinakikinggan ng paulit ulit at maaring ang ilan sa mga linya sa mga kantang ito ay maari nating i konekta sa ating buhay.


Ang mga linyang “I’m beautiful in my way coz god made no mistake I’m on the right track baby I was born this way, don’t hide yourself in regret just love yourself and your set, I’m on the right track baby I was born this way…” ni Lady gaga ng pinasikat nya sa kantang “BORN THIS WAY”  ang naiisip kong awit ng aking buhay, dahil sa mga linyang ito nagkakaroon ako ng tiwala sa aking sarili sa lahat ng pagkakataon na ipakita kung ano ang meron ako. Sinasabi sa kantang ito na lahat tayo ay may kanya kanyang kagandahan sa ating kanya kanyang paraan, hindi dapat natin ikahiya kung anu ang meron sayo dahil ito ang bigay sa atin ng gumawa sa ating lahat. Sa kantang ito natutunan kong mahalin at pahalagahan ang aking sarili. Gusto ko rin ang kantang ito dahil isa ito sa mga kanta ni Lady gaga na isa sa mga idolo ko.(^_~)









Linggo, Agosto 14, 2011

CRUSH KO = )

Una sa lahat, anu nga ba ang crush para saakin? Ito ay ang isang normal na nararamdaman ng isang tao para sa ibang tao o ang paghanga ng isang tao sa kapwa. Nararamdaman ito ng isang normal na tao kapag  ang isang ay may nakitang gusto niyang mga katangian at pag-uugali sa isang tao. Ito ang pagkakahulugan ko sa salitang crush.
 
Ako, bilang isang normal na tao, madalas din akong magkaroon ng mga crush o paghanga sa isang tao (he-he..). Kadalasan ang mga nagiging crush ko ay nakikita ko sa mga taong kaparehas ko ng kasarian (ha-ha-ha!!). Di ko alam pero yun talaga eh, gaya nalang ngayon, mayroon akong crush na lalaki, kaklase ko siya noong kami ay first year pa lamang dito sa CLSU. Pero nagkahiwalay kami ng seksyon ngayong kami ay nasa ikalawang taon na ng pagaaral sa kolehiyo, pero parehas parin naman ang kinukuha naming kurso kaya kahit papaano ay nagkikita parin naman kami sa aming departamento. Gaya ng mga napapanuod ko sa mga koreanovelas , may mga pagkakatrulad siya ng hitsura sa mga lalaking bida sa mga ito. Marahil siguro kaya mabilis ko siyang nagustuhan. Bukod doon, gusto ko rin ang pagiging mabait nya saakin, hindi sya kagaya ng iba na dahil alam nilang gwapo sila malakas na ang loob na magyabang. Gusto ko rin ang pagiging sweet nya kapag kami ay nagkakasalubong sa daan. Ang lalking aking binabanggit ay itatago ko na lang sa pangalang Karlo.

Ngunit, may mga pagkakataong nagkaka-crush din ako sa isang babae (ha-ha). Syempre di ko rin naman maiiwasang maramdaman ito lalo na kapag ang babaeng ito ay nagpapakita ng mga katangian na gusto ko sa isang tao o 
babae.

Para saakin ang mga ganitong bagay gaya nga ng pagkakaroon ng mga crush ay hindi permanente, hindi magtatagal, mawawala din ang espesyal mong nararamdaman na ito  sa isang tao at makakahanap ka na naman ng panibagong tao na pagtutuonan  mo ng iyong pansin at kababaliwan, gaya nga ng sabi nila na walang permanente dito sa ating mudo. (^_~)