Lunes, Hulyo 25, 2011

Francis C. Mariano


Noong ika-lima ng Oktubre, taong 1993, sa isang tahimik na lugar sa probinsya ng Aurora(dipaculao), isang mag-asawa ang nabiyayaan ng isang lalaking sanggol at ito ang kaunaunahan nilang anak. Pinangalanan nila itong Francis C. Mariano ayon na rin sa kagustuhan ng kanyang mga tita. Ang sanggol na ito rin ang kaunaunahang apo ng kanyang lola marahil siguro kaya siya narin ang naging paboritong apo nito. Di nagtagal, ang mag-asawang ito kasama ang sanggol ay lumipat ng tirahan sa bahay ng kanyang lola (maria aurora) dahil doon nakatira ang nanay ng lalaki kasama ng kanyang mga kapatid. Doon na lumaki ang batang iyon at doon na rin siya nagkaroon ng dalawa pang mga kapatid.

Ang batang iyon ay ako. Habang ako ay lumalaki, nagkakaroon din ako ng mga bagay na kinagigiliwan gaya ng ibang mga bata katulad ng panunood ng mga pambatang palabas(cartoons), pati na rin ang mga teleserye tuwing gabi. Nahilig din ako sa mga larong pambabae noong ako ay bata gaya ng mga chinese garter, luto-lutoan o bahay-bahayan at pati ang paglalaro ng mga manika. Sa paglipas ng panahon, ako ay lumaking batang mabait, masunurin sa magulang, at may takot sa Diyos.

Nang ako ay mag limang taong gulang, pinag-aral ako ng aking mga magulang sa Wenceslao Elementary School, isang paaralan sa aming barangay at natapos ko ang pag-aaral ko ng elementary noong taong 2006. Kinuha ko naman ang aking pag-aaral sa mataas na paaralan sa Wenceslao National High School. Masasabi ko na ang ilan sa mga pinakakamasayang nangyari sa buhay ko ay noong ako ay nasa mataas na paaralan kasama ang aking mga kaibigan at kaklase. Sa apat na taon ko sa mataas na paaralan, sumali ako ng drum and lyre bilang xylophonist ng aming paaralan na lumalaban tuwing kapyestahan ng aming bayan nalagi naming nakukuha sa tatlong pinakakamagaling. Sa pagsali ko dito madam akong naging mga kaibigan at masasayang ala-ala habang kami ay nag prapraktis pati narin tuwing araw ng kompitisyon. Syempre di mawawala dyan ang swimming ng buong grupo pagkatapos ng kompitisyon bilang pagseselebreyt narin ng pagkakapanalo. Isa rin sa mga di ko malilimutan noong akoy kasalukuyang nag-aaral sa sekondarya ay kapag sumasapit ang kapaskuhan, sa panahong kasi ito kami nagkakaroling ng aking mga kaklase sa mga kalapit na barangay at pasko rin ang pinakamasayang panahon para sa aming mga mag kakaklase dahil dito lang kami nakakapagbigayan ng mga regalo at mga bagay na nais naming ibahagi sa isa’t isa. Ngunit di rin nagtagal, umabot din kami sa puntong pagtatapos ng high school. Ang iba sa amin ay nagpatuloy ng pag-aaral at ang ilan naman ay sinasabing magtitigil muna ng pag-aaral dahil na rin siguro sahirap ng buhay.

Ngayong nasa ikalawang taon na ako sa kolehiyo at kasalukuyang nag-aaral dito sa Central Luzon State University, kumukuha ako ng kursong Bachelor of Science in Information and Technology sa kadahilanang gusto kong magtrabaho ng patungkol sa computer nang sa ganooy makatulong ako saaking mga magulang na syang naghirap na kumayod upang akoy makapag-aral at parana rin sa aking pansariling interes.

Ngayong ako ay labingpitong taong gulang na madami akong mga bagay na pinag kakaabalahan sa buhay gaya pagkolekta ng mga paborito kong koreanovelas at iba pang mga bagay na may patungkol sa Korean entertainment(k-pop). Isa rin sa mga pinag kakaabalahan ko ay ang tinatawag nilang social networking o mas kilalasatawag na facebook.

At sa huli, umaasa akong makakapagtapos ng aking pag-aaral sa tulong ng Poong May kapal.

Ang Aking Pamilya


Sa tahimik na bundok ng Aurora, nabuo ang aming pamilya, ang pamilya Mariano, isang pamilyang may pagkakaisa, tahimik,  masaya, may takot sa Diyos, at pamilyang nirerespeto. Ang pamilyang ito ay pinamumunuhan ng  isang responsableng ama na nagngangalang Franklin M. Mariano at isang mapagmahal na ina na nagngangalan namang Carmelita C. Cuaresma. Dahil sa kanilang wagas na pagmamahalan sila ay nabiyayaan ng tatlong anak, dalawang lalaki at isang babae at ito ay sina Francis, Garnet, at Jessa  Amor.

Ang haligi ng tahanang ito ay isang amang responsable at ginagalang, ipinanganak siya noong ika-12 ng Disyembre taong 1971 na ngayo’y 40 anyos na sa kasalukuyang taon, at siya ang panganay sa pitong magkakapatid. Sekondarya lamang ang pinakamatas niyang naabot sa kanyang pag-aaral, dahil na rin siguro sa kahirapan ng buhay noong kapanahunan nila. Dati rin siyang tagapagtanggol ng ating bayan, pero dahil sa payo ng kanyang ina sa kanya na tumigil sa pagsusundalo, pinili nalang niya na bantayan ang sariling pamilya. Ngayon ang pagsasaka ang kanyang ipinangbubuhay sa kanyang mga anak at asawa. Ganoon pa man sapat ang kanyang kinikita sa kanyang pagsasaka upang kaming magkakapatid ay makapag-aral at makakain ng sapat sa isang araw.

Ang ilaw naman ng tahanang ito ay masasabi kong mabuting ina dahil napalaki niya kaming maayos, masunurin at higit sa lahat ay may takot sa Diyos. Siya ay ipinanganak noong ika-11 ng Nobyembre taong 1976 na ngayo’y 35 anyos sakasalukuyang taon, siya naman ang pangatlo sa apat na magkakapatid. Katulad ng aking ama, sekondarya lamang din ang kanyang natapos, na ngayon ay may maliit na tindahan na kumikita naman ng sapat para matustusan ang aming pang araw-araw na pangangailangan.

Ang pangalawa sa aming magkakapatid ay lalaki na ipinanganak noong ika-14 ng Setyembre taong 1995 na ngayo’y 15 taong gulang. Masasabi ko na mas malapit sa akin kaysa sa aking kapatid na babae dahil magkalapit ang edad  kaya mas nagkakasundo kami. Siya ay mahilig maglaro ng baril-barilan at mahilig manuod ng mga aksyong pelikula. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Wenceslao National High School na inaasahang magtatapos ngayong darating na Abril. Siya ay nagbabalak na magsundalo.

Ang bunso naming kapatid ay ang paborito sa aming tatlong aming mga magulang dahil sa siguro’y siya ang nag-iisang babae at bunso sa aming magkakapatid. Siya ay isinilang noong ika-29 ng Disyembre taong 1999 na ngayo’y 12 taong gulang na. Siya ngayo’y kasalukuyang nag-aaral sa Wenceslao Elementary School, na nagbabalak naman na maging isang mahusay na guro balang araw.

Sa kalagayan ng aming pamumuhay ngayon, namumuhay kami ng masagana, tahimik, at masaya sa aming probinsya at ang mga iyon ang mga bagay na kaylangan upang masabi na ang aming pamilya ay maayos.